Tuesday, February 22, 2011

Ang Talambuhay ni Aldrin Santiago

                                                                     
Ito ako ng 3rd year high school
Aldrin Ortiz Santiago ang buo kong pangalan. Isinilang ako noonng agosto 11.1994. panginay,Balagtas,Bulacan at ang aking magulang ay sina Diego Santiago at si Rosana Santiago at apat ay  sina mark Anthony,francis at si Diana rose.

Nakapag-aral ako sa mababang paaralan ng Francisco Balagtas memorial school. Nagsimula akong mag-aral noong taong 2000 ng kinder garten at ang aking nagging titser ay si maam nora.

2001-2002 ay ang taong nag-aaral ako taong grade 1 at ang aking nagging titser ko naman ay si maam mia ang pinakamagandang titser.
Taong naman ng 2002-2003 ay ang taong kung saan ako pumasok ng grade 2 at sa taong ding iyon ako nagpatule at ang maging titser ko naman ay si maam Glenda.

picture ko noong fiesta ng bayan
2003-2004 ang taong grade three ako ang naging titser ko doon ay si maam vhong siya po ang naging pinakamabait kong titser sa grade three. Sa taong ng 2004-2005 ay kung saan grade 4 na ako iyon. Lalaki na si sir jun at ang naging pinakamahigpit kong guro sa pagtuturo at sa tong 2005-2006 ang naging pinakamabait kong naging titser kung saan ako ang paborito nang estudyante at ang titser kong iyon ay si maam eva.

At sa huling taon ko sa paaralang Francisco Balagtas memorial school ang grade ko noon ay grade 6 kung saan recollection kami sa buong maghapon at sa gabi naman ay nagsimba kami magkaklase at ang titser ko si maam baby.


Mahigit na anim taon na ang nakaraan nang iwan ko  ang mababang paaralan sa aming lalawigan,ngunit hanggang ngayo'y matingkad pa rin sa aking alaala ang gabi ng pagtatapos at ang kalugurang sumapuso ko sa pagkakataon iyon.


Kami'y 26 lamang 5 babae at 21 lalake na nakatapos ng grade 6 na baitang sa maliit na paaralan na tinayo saming bayan sa tulong ng kayamanang ipinamana ng mapagkawang gawang mamamayan.


Nang kaming nagsipagtapos ay nasa munting tanghalan at pinamalas ng aming mga magulang,kamag-anak,kakabayan at mga guro sa paaralan,ay saka lamang ako nakaramdam ng tunay na kaligayahan at papuri sa sarili. Noong ko lalong natiyak na ang aming buhay ay kahit gaano ang hirap na tiniis ko upang makamit iyon ay para bulang napawi sa nag-uumapaw na kasiyahan sa aming mga puso. Ang  mata ng buong bayan ay samin nakapako. Nang gabing iyon ay kami nagsipagtapos ang  pasksa ng salitaan,hantungan ng maliligayang pagbati at siya ring pinagukulan ng pinakamakulay na pangarap. Ngunit batid ko sa mga sandaling iyon ay may mga katanungang naglalaro sa guni-guni ng bawat isa sa aming: kung makakapagpatuloy ng pag-aaral sa high school. Gayon man,lahat ng mga suliraning naghihintay sa aming landas ay pansamantalang nalingid sa aming mga matang may kislap ng pag-asa at kaligayahang bunga ng pagtatapos sa anim na taong pagsisikhay. Ang mga pagbating aming tinanggap,ang mga papuri ng panauhing pangdangal at ang masigabong palakpakan ng mga manonood nang tinanggap na namin ang mga diploma ay tumiim at nagtining sa aming puso nalalaman naming kami'y karapat-dapat. Ang gabing iyon ng pagtatapos ay tanging para sa amin.
picture ko noong fiesta ng bayan


Datapwa,ang kahulugan at kahalagahan ng pastatapos sa mababang paaralan ay nitong huling taon lamang napagtimbang at naunawaan ko. Ang pagtatapos ay di siyang mahalaga. Madaling napawi ang ningning ng isang gabi ng pagdiriwang at  pagsasaya. Ang mga palakpak at papuri ay sandaling nanunuot lamang sa ating pandinig ngunit hindi namamahay sa puso. ang mahalaga ay ang panahong ginugol sa pag-aaral bago nakarating sa yugto ng pagtatapos ng pamama-alam sa pag-aaral.


Ang anim na taon sa mababang paaralan ay siyang kadalasang namamagitan  sa hannganan ng kamusmusan at ng pagsapit  sa pagiging dalaga at binata ng isang mag-aaral. Sa loob ng panahong iyon ay di lamang sumasailalim ng pag-unlad ang katawan o sariling anyo kundi pati na ang isipan at ang puso.

Sa taong 2007-2008 ay pumasok naman ako ng high school sa annex 1 balagtas agricultural high school ng 1st year at bago ako tangapin ay papasok muna ng 1 linggo kung saan mag-aaral ng pagtatanim at paghihiwalay ng basura sa hindi nabubulok at nabubulok at paglilinis ng campus. Ang  paaralang ito ay parang private dahil sa dami ng bawal dinaig pa ang private school. Pero dahil dito sa school na ito natuto akong magtanim.

4th year ako nito
Sa taon naman ng 2008-2009 ay 2nd year high school na ko  noon. Mula 1st grading ng klase hanggang kalahati ng 3rd grading ng klase ay nagkalokoloko na ang buhay ko dahil sa barkada ay napariwara ako ng landas at nagkaroon ako ng bisyo. Noong una pahitshits lang ako sa yosi sa mga sumunod na araw na hindi ko na namamalayan na napapasarap na pala ako  sa yosi hanggang sa nakasanayan ko ng magbisyo. At pagtapos ng 3rd grading period ay biglaan naman ang paglipat namin ng bahay dito sa san Pablo dahil doon dito na ko nagpatuloy ng pag-aaral ng 4th grading ng klase ng 2nd year.


                                                                  
Noong 2009-2010 at 3rd year na ko noon. At noong j.s prom ng 3rd year ay sumama kami magbabarkada at noong nagsimula na ang tugtugan ay inaantok ako sa tugtug ng rock at sa tugtug ng love song ako ay giganahang para bang  lumakas ang katawan ko simula pa lang ng tugtug ng love song naghanap na agad ako ng magiging partner ko.
4th year ako nito

At sa taong 2010-2011 ay 4th year na ko noon at ang tanong ko sa sarili ko kung makakagraduate ako ng  4th year. ngayon taong ito ay masaya ako dahil nalaman ko na ako pala ay gagraduate ngayong taong ito. Hindi ko talaga inakala na makakagraduate ako lahat ng tanong sakin ng mga kaklase ko ay kung gagraduate ako lagi kong sagot ay "ewan" kasi alam ko na hindi ako gagraduate pero tuwang-tuwa ako nang malaman ko ng nakalusot ako sa semi -finals deliveration pero na lungkot ako dahil baka hindi na ako makapagpatuloy  ng pag-aaral ng college. Pero di ako susulo tulad nga ng tulang "Si Rizal at Ang Edukasyon" ay "habang iyang edukasyo'y nakalulok sa dambana,kabataa'y yumayabong nang mabilis at masagana,kamalia'y sinusugpo sa tibay ng kanyang nasa,nararating pati langit ng magiting na diwa;sa siklab ng edukasyo'y kasamaa'y humihina,alam niyang paamuin iyang bansang walang awa,ang mabangis ay nagiging bayani ng kanyang lupa.
                                                             
                                                                               

Saturday, February 19, 2011

Ang Talambuhay ni John martin banayo

            Nagsimul;a ang buhay ko nang sila mama at papa ay nagkakilala. Si papa ay may tatlong kapatid sya'y pangatlo sa magkakapatid kamuka ko daw sya noong kabataan nya makulit,mahilig maglaro ngunit, may isang bagay kaming pinagkaiba sya di kompleto kapag hindi nakapag laro ng basketball. Ako naman di kompleto kapag hindi nakahawak ng gitara o makarinig ng musika. Si mama naman ay labingdalawa sa magkakapatid namatay ang dalawa sya naman ay pangwalo sa magkakapatid. Si mama ay taga midanao at si papa naman ay taga bicol.

             Napaka laki ng agwat nila sa isa't isa. Nakilala ni papa si mama sa maynila. Tila nabulag ni mama si papa at di nagtagal ay nagpakilala na si papa kay mama at niligawan ni papa si mama. Ang daya nga ayaw sabihin ni papa kung paano nya napasagot si mama, kukuwa panaman ako ng techniques at di nagtagal ay nagpakasal na silang dalawa at nangako sa isa't isa na habang buhay silang magsasama sa hirap man o ginhawa kahit makulit ang mga anak magpakailanman hahahaha. Ito ang maikling buod ng kwento ng mga magulang ko bago ako isinilang sa earth.
      
8 months ako
nakanguso ako
1st birthday


1 year old


naka asul na damit na naka sando
ka jamming ko mga pinsan ko

di ko kaya yung panghampas buhatin
jomar/duroy yan ang palayaw ko



my favorite stoptoy

tita dimple and me

mangbabanat ako(hehehe)

rock and roll cousin

ako yung nasa gitna nag sasample yeah....
              Nang si mama ay nagdadalang tao, napaglihian nya ako sa siopao at sa cheese burger si mama talaga napaka takaw. Nakatira lang kame sa isang mumunting bahay sa maynila masaya kami doon. Di nagtagal ay nagkameron na ako ng mga kapatid. Tanda ko pa noon sa tuwing umuulan habang pumapatak ang ulan sa lupa tuwang-tuwa kami ng kapatid kong si rafael, lagi naming sinasabi na parang pacifier yung mga patak ng ulan sa lupa itsurang pacifier kasi. Misan naisipan na ni mama na ipasok na ako sa kinder, hala di rin natuloy kasi takbo lang daw ako ng takbo puro na lang laro di sumasale sa mga activities, kasi maliit palang ako ay nakitaan na ako ng kakulitan pano bata palang walang iniisip kungdi maglarong maglaro. Di naglaon ay lumipat na kami sa bacoor cavite doon muna kami mamamalagi ng isang taon. Doon na rin ako pumasok ng kinder pero sa pagkakataon na yun sinusunod ko na ang lahat ng mga sinasabi ni mama, sabi ni mama na pumasok na daw ako ng school ako naman excited na kung pano pumasok sa school at sabi rin saakin ni mama na wala ng laro laro. Pinaenrolled na ako ni mama. Ngunit di ko nasunod si mama sa bilin nya sa akin na wala ng laro laro di ko kasi mapigilan ay ang daming laruan sa paligid ay tapos nilalaro ng ibang bata kaya nakilaro na rin ako pero hinahayaan muna kami bago magsimula ang klase.

                 Sa pagsisimula ng aking pagpasok sa kinder doon ako nagkasimulang magkaibigan unang kaibigan ko ay isang babae tanda ko pa ang name nya Bebby ross calupcupan sya ang kakulitan ko sa school, katulong ko sa activities, tanda ko noon na sa tuwing nagsasagot kame ng activities sa book ako yung unang magpapacheck sa teacher tapos isusulat ng guro ko yung tamang sagot at ipakikitako sa kanya yung tamang sagot tapos ganun ndi yung gagawin nya halinlinan kaming dalawa pareho kaming may star sa kamay . Sya na ang naging matalik kong kaibigan doon pati rin yung kanyang kapatid na lalake masmakulet yun. Pagkatapos ng ilang buwan ay graduation day namen di man lang ako nakapagpaalam sa kanya. Di naglaon ay lumipat na kami dito sa san pablo, laguna.
kinder ako yung nakangisi na lalake na nakatingin sa bintana


              Sa san pablo dito na ako nagsimulang mag-aral ng matagal-tagal na pag-aaral. Dito na ako nagkaibigan ng marame sa elementarya. Sa elementarya maraming pangyayari na di ko malilimutan  simula nung grade four ako lagi ko na lang pinapupunta si mama sa school hanggang grade six, ako kasi ang nakakasira ng bagay o isang gamit na di ko sinasadya, pero once a year lang napapapunta si mama sa school.
Pero kahit nasa elementarya na ako nandun parin yung ugali kong makulit tapos laging laro ang nasa isip.

          Sa tuwing uuwi ng tanghali sa bahay galing sa school  gusto ko laging pumasok ng maaga para makapag laro kaagad sa school ng sikyo yung habulan ba di sila nag sisimula hanggat di  pa ako dumadating kasi  gusto nila lagi na kakampi nila ako ako kasi yung pinakamabilis tumakbo at laging nagpapahabol sa kanila. Naglalaro din kami ng lupa-lupa inpyerno, ako din kasi ang pinakamabilis umakyat ng puno pero pinakamabagal bumababa. Kasama din ako sa top five na makukulet na bata pero mabait at masunurin. Sa elementarya ang grade six ang maraming ala-ala na diko malilimutan. Isa na dito yung subukan kong magbutas ng tenga gamit ang STAPLER kala ko kasi ganon ang paraan ng pagbubutas ng tenga.

             Di ko rin malilimutan yung malupet kong guro sa grade six na matanda na pero hot kung parusahan kami, kaming dalawa nang kaibigan kong si ANGELO ang laging suke sa kanyang malupet na parusa. Tanda ko noon nagkukwento ako sa kaklase ko ng movie na nap[anood ko , di ko na pansin na napalakas yung boses ko at narinig ako, piningot yung tenga ko ng guro ko ng pataas at pababa ako naman sumusunod kung pababa o pataas para mahina lang yung  sakit. Tapos sinabi ko yung techniques para di sila masaktan. Di rin nagtagal ang techniques ko kasi nahalata ng guro ko kaya sa patilya naman ang naisip nya, lage ako at yung kaibigan ko ang nasasampulan ng ganun nag isip ako kung paano ulet di masasaktan sa ganun, nagalet na naman yung  guro ko kasi naabutan nya akong pinaglalaruan yung upuan nyang pang office yung may gulong ba ginawa naming sasakyan ng kaibigan ko, tapos naparusahan nya ulet kami ng ganun hinigit ng maigi-igi yung patilya namen ng pataas, nakaisip ako ng techniques ang ginawa ko ay palihim akong tumutungtong sa upuan para pagtinataas nya tumataas din ako sinabi ko kaagad sa kaibigan ko yung naisip ko kaya happy na kami (hahahaha). Sa sobrang tanda na ng guro ko ay iba na lang ang ginawa nyang pagpaparusa sa amin, nagdala sya ng lipstik at nilalagay nya sa mga batang makukulet na syempre katulad ko (hahahaha). Syempre lalake kami takot kami doon sa lipstik kasi pang babae lang naman yun diba kaya wala kaming magawa kungdi umilag, tumakbo papalabas ng room, at kundi man ay simpleng pag-ilag na lang. Sa elementarya din ako di namamansen ng babae kasi sabi sakin nung kaklase ko na malilinis sila di sila humahawak ng marurumi di nila kayang maglaro ng panglalake na tulad namin misan may niloloko kami ng mga babae ng kalove team kahit di naman totoo.

             Nakalipas na ang sampong buwan sa school graduation day nanaman pangalawa ko nang pagtatapos to. Nakakatuwa nga yung araw na yun, yung mga babae ay nag iiyakan, yung iba naman dun ay magkapitbahay lang, yung iba nagiiyakan dahil magkakahiwalay na sila eh pareho lang naman sila ng school ang papasukan. Kami namang mga lalake naglalaro ng sipa sa ground ang saya nga sa school kasi ginanap ang graduation. May naisip ako at yung kaibigan ko ng kakaiba, tinawag namen yung lahat ng lalake. Papasayahin namin yung mga babae kasi puro kasi iyak ng iyak magtatapos ng nga ng elementarya ayaw pa nilang ngumiti. Ang ginawa namen ay kumuha kami ng mga sariling kapartner namen tapos kumuha kami ng isang maliit na papel sa bag namen tapos pinasulat namen yung mga bagay na gusto nilang mangyari sa buhay nila. Tanda ko nga yung isinulat ng kapartner ko na "gusto nyang makakita ng isang lalake na magmamahal sa kanya tulad ng kanyang mga magulang na nagmamahalan". Narealize ko na hindi pala lahat ng babae ay mainitin ang ulo tulad ng guro ko (hahahaha). Ang plano talaga namen ay patawanin namen sila kaya akala ng mga babae ay isusulat namen yung gagawin namen sa buhay namen eh hindi pala, mga joke namen  na pagminsan ay ayun ang ginagawa namen pag nag mimiryenda kami mga joke time namen at yung iba ay yung kwentong katatawanan.
kinder boy


            Nagsimula na ang bakasyon, excited kaagad pumasok ng high school kasi sa bayan na ang pasok sasakay na ng jeep at maraming tanawin na ang makikita. Pero magaantay pa ako ng dalawang buawan bago pumasok. Kaya ang ginawa ko ay susulitin ko na lang ang bakasyon kasama ang pinsan ko at kapatid ko kaya ginawa namen ay nag gala-gala kame hanggang sa nag hanap kami ng pinsan ko ng extream challenge ba    o kakaibang paggagala.Naiasipan namin na magpahabol sa mga aso ang saya nga tag team kaming dalawa, sya taga tahol na parang aso tapos ako naman yung tagatakbo kasi pagnakakakita kasi ang aso na may tumatakbo hinahabol nila kaagad eh ang babangis panaman nung mga aso kala kasi namin na maliliit lang yung mga aso di pala nasa loob ng bahay yung malalake at nasa labas yung maliliit takbuhan kami hanggang sa makauwi kami ng bahay na hinahabol ang paghinga pagod na pagod.

                   Nagsawa na rin kami sa ganung gawain kaya nag-isip kami ng iba buti na lang ay yung kaibigan ko ay may alam na ilog sa amin sumama kami ng walang paalam umalis kami ng 9 am dumating kami ng 2 pm galit na galit yung lola namen at alam na nagpunta kami ng ilog kasi basang basa yung mga damit namen ay, sinumbong kami sa mga parents namen napagalitan tuloy kami. Kaya ang ginawa na lang namen ay nagdala na alng kame ng reserbang pangloob para di kami basa ang lola ko naman ay ang galing alam parin na nagpunta kami sa ilog kasi dry na dry yung balat namen napagalitan na naman kami. Naghanap kami ng ilog ng malalimlalim na ilog di ko pala alam na lampas tao pala yung ilog na napuntahan namen tumalon kaagad yung pinsan ko tapos nalunod sya pinilit kong abutin yung kamay nya pati ako nadala nalunod na rin ako yung mga tao naman ay nakatitig lang sa amin akala nila nag bibiruan lang kami. Ang ginawa na lang namen ay sinukan naming lumangoy papuntang mababaw na tubig hanggang sa umabot kami yun ligtas kami muntikan na kaming malunod ay kaya nandun na lang kami sa mababaw na ilog naglangoy.


             Hanggang dito na lang ang mailalathala ko sa talambuhay ko dahil napakarami ang pangyayari sa buhay ko at napakaraming pangyayari sa buhay ko na makabuluhan hanggat di ko pa naaabot ang aking goal sa buhay hindi ako susuko kahit anung pagsubok ang harapin ko alam kong nandyan ang magulang ko, mga kaibigan ko, inspirasyon ko kung bakit ako nagpapatuloy, at higit sa lahat Ang PANGINOON na laging nakagabay sa tabi ko.di ko na ilalathala ang buhay high school ko kasi di pa natatapos ang pakikipagsapalaran ko. Note: sa buhay dapat sabay na ginagamit ang puso at utak, dahil kung ang utak lang gagamitin mo makakapag salita ka ng di mo alam na nakakasakit ka na pala kasi di mo alam kung ano ang nararamdaman nila, kung ang puso lang di ang gagamitin mo, magmamahal ka ng lubusan kahit mali ang ginagawa pinipilit mong TAMA sa iyong sarili.


                  Hanggang dito na lang MEOW MEOW.........................................salamat sa pagbabasa kahit walang kwenta, at puro na lang kakulitan.