Tuesday, February 22, 2011

Ang Talambuhay ni Aldrin Santiago

                                                                     
Ito ako ng 3rd year high school
Aldrin Ortiz Santiago ang buo kong pangalan. Isinilang ako noonng agosto 11.1994. panginay,Balagtas,Bulacan at ang aking magulang ay sina Diego Santiago at si Rosana Santiago at apat ay  sina mark Anthony,francis at si Diana rose.

Nakapag-aral ako sa mababang paaralan ng Francisco Balagtas memorial school. Nagsimula akong mag-aral noong taong 2000 ng kinder garten at ang aking nagging titser ay si maam nora.

2001-2002 ay ang taong nag-aaral ako taong grade 1 at ang aking nagging titser ko naman ay si maam mia ang pinakamagandang titser.
Taong naman ng 2002-2003 ay ang taong kung saan ako pumasok ng grade 2 at sa taong ding iyon ako nagpatule at ang maging titser ko naman ay si maam Glenda.

picture ko noong fiesta ng bayan
2003-2004 ang taong grade three ako ang naging titser ko doon ay si maam vhong siya po ang naging pinakamabait kong titser sa grade three. Sa taong ng 2004-2005 ay kung saan grade 4 na ako iyon. Lalaki na si sir jun at ang naging pinakamahigpit kong guro sa pagtuturo at sa tong 2005-2006 ang naging pinakamabait kong naging titser kung saan ako ang paborito nang estudyante at ang titser kong iyon ay si maam eva.

At sa huling taon ko sa paaralang Francisco Balagtas memorial school ang grade ko noon ay grade 6 kung saan recollection kami sa buong maghapon at sa gabi naman ay nagsimba kami magkaklase at ang titser ko si maam baby.


Mahigit na anim taon na ang nakaraan nang iwan ko  ang mababang paaralan sa aming lalawigan,ngunit hanggang ngayo'y matingkad pa rin sa aking alaala ang gabi ng pagtatapos at ang kalugurang sumapuso ko sa pagkakataon iyon.


Kami'y 26 lamang 5 babae at 21 lalake na nakatapos ng grade 6 na baitang sa maliit na paaralan na tinayo saming bayan sa tulong ng kayamanang ipinamana ng mapagkawang gawang mamamayan.


Nang kaming nagsipagtapos ay nasa munting tanghalan at pinamalas ng aming mga magulang,kamag-anak,kakabayan at mga guro sa paaralan,ay saka lamang ako nakaramdam ng tunay na kaligayahan at papuri sa sarili. Noong ko lalong natiyak na ang aming buhay ay kahit gaano ang hirap na tiniis ko upang makamit iyon ay para bulang napawi sa nag-uumapaw na kasiyahan sa aming mga puso. Ang  mata ng buong bayan ay samin nakapako. Nang gabing iyon ay kami nagsipagtapos ang  pasksa ng salitaan,hantungan ng maliligayang pagbati at siya ring pinagukulan ng pinakamakulay na pangarap. Ngunit batid ko sa mga sandaling iyon ay may mga katanungang naglalaro sa guni-guni ng bawat isa sa aming: kung makakapagpatuloy ng pag-aaral sa high school. Gayon man,lahat ng mga suliraning naghihintay sa aming landas ay pansamantalang nalingid sa aming mga matang may kislap ng pag-asa at kaligayahang bunga ng pagtatapos sa anim na taong pagsisikhay. Ang mga pagbating aming tinanggap,ang mga papuri ng panauhing pangdangal at ang masigabong palakpakan ng mga manonood nang tinanggap na namin ang mga diploma ay tumiim at nagtining sa aming puso nalalaman naming kami'y karapat-dapat. Ang gabing iyon ng pagtatapos ay tanging para sa amin.
picture ko noong fiesta ng bayan


Datapwa,ang kahulugan at kahalagahan ng pastatapos sa mababang paaralan ay nitong huling taon lamang napagtimbang at naunawaan ko. Ang pagtatapos ay di siyang mahalaga. Madaling napawi ang ningning ng isang gabi ng pagdiriwang at  pagsasaya. Ang mga palakpak at papuri ay sandaling nanunuot lamang sa ating pandinig ngunit hindi namamahay sa puso. ang mahalaga ay ang panahong ginugol sa pag-aaral bago nakarating sa yugto ng pagtatapos ng pamama-alam sa pag-aaral.


Ang anim na taon sa mababang paaralan ay siyang kadalasang namamagitan  sa hannganan ng kamusmusan at ng pagsapit  sa pagiging dalaga at binata ng isang mag-aaral. Sa loob ng panahong iyon ay di lamang sumasailalim ng pag-unlad ang katawan o sariling anyo kundi pati na ang isipan at ang puso.

Sa taong 2007-2008 ay pumasok naman ako ng high school sa annex 1 balagtas agricultural high school ng 1st year at bago ako tangapin ay papasok muna ng 1 linggo kung saan mag-aaral ng pagtatanim at paghihiwalay ng basura sa hindi nabubulok at nabubulok at paglilinis ng campus. Ang  paaralang ito ay parang private dahil sa dami ng bawal dinaig pa ang private school. Pero dahil dito sa school na ito natuto akong magtanim.

4th year ako nito
Sa taon naman ng 2008-2009 ay 2nd year high school na ko  noon. Mula 1st grading ng klase hanggang kalahati ng 3rd grading ng klase ay nagkalokoloko na ang buhay ko dahil sa barkada ay napariwara ako ng landas at nagkaroon ako ng bisyo. Noong una pahitshits lang ako sa yosi sa mga sumunod na araw na hindi ko na namamalayan na napapasarap na pala ako  sa yosi hanggang sa nakasanayan ko ng magbisyo. At pagtapos ng 3rd grading period ay biglaan naman ang paglipat namin ng bahay dito sa san Pablo dahil doon dito na ko nagpatuloy ng pag-aaral ng 4th grading ng klase ng 2nd year.


                                                                  
Noong 2009-2010 at 3rd year na ko noon. At noong j.s prom ng 3rd year ay sumama kami magbabarkada at noong nagsimula na ang tugtugan ay inaantok ako sa tugtug ng rock at sa tugtug ng love song ako ay giganahang para bang  lumakas ang katawan ko simula pa lang ng tugtug ng love song naghanap na agad ako ng magiging partner ko.
4th year ako nito

At sa taong 2010-2011 ay 4th year na ko noon at ang tanong ko sa sarili ko kung makakagraduate ako ng  4th year. ngayon taong ito ay masaya ako dahil nalaman ko na ako pala ay gagraduate ngayong taong ito. Hindi ko talaga inakala na makakagraduate ako lahat ng tanong sakin ng mga kaklase ko ay kung gagraduate ako lagi kong sagot ay "ewan" kasi alam ko na hindi ako gagraduate pero tuwang-tuwa ako nang malaman ko ng nakalusot ako sa semi -finals deliveration pero na lungkot ako dahil baka hindi na ako makapagpatuloy  ng pag-aaral ng college. Pero di ako susulo tulad nga ng tulang "Si Rizal at Ang Edukasyon" ay "habang iyang edukasyo'y nakalulok sa dambana,kabataa'y yumayabong nang mabilis at masagana,kamalia'y sinusugpo sa tibay ng kanyang nasa,nararating pati langit ng magiting na diwa;sa siklab ng edukasyo'y kasamaa'y humihina,alam niyang paamuin iyang bansang walang awa,ang mabangis ay nagiging bayani ng kanyang lupa.
                                                             
                                                                               

No comments:

Post a Comment